Wednesday, March 26, 2008

pulang gulaman

pulang gulaman
bigla ko na lang naisipan
matagal na pala akong di kumakain ng gulaman

yung ginagawa pa ng ermats ko
pinuputol pa namin yun tapos saka pakukuluan

isasalin sa lanera at palalamigin
pagkatapos antayin, saka papapakin

hahaluan pa ng condensada
na ang brand ay Alaska

pulang gulaman
bigla ko na lang naisipan
matagal na pala akong di kumakain ng gulaman
ganito ba ang nagagawa ng nagrereklamong tyan


pulang gulaman
-ebet


Ingatz to all =)

1 comment:

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.